Libre ang extension ng passport hanggang ngayong taon 2015?

Hi!

Uuwi po ako sa Pilipinas ng November 28-December 27 ang passport ko po ay mae-expire sa August 4, 2016. Aabot pa po ba iyun kung sa January na po ako magrerenew ng passport pagbalik ko ng Brunei?

Tapos ilang months po bago dumating ang bagong passport? Kasi po uuwi po ako sana ulit ng Pilipinas ng March 2016. Kung sakali po na wala pa din ang passport ko ng March 2016, pwede po ba extend muna ang passport ko Habang wala pa din po yung bago kong passport.

Thank you po.

Angelica

 

Ms. Angelica,

Ang iyong passport ay dapat valid for 6 months. Eto ay pwede pang gamitin hanggang February 4, 2016 o 6 months bago ang expiry.

1-2 months po ang dating ng bagong passport pagkatapos mag-renew.  Pwede ring i-extend yan ng 1 year bago kayo umalis ngayong November.  Libre po ang extension.

 

Regards,

Philippine Embassy