Nasa 300 OFW, apektado ng total deployment ban sa Micronesia

Micronesian_Cultural_Area

Nasa 300 overseas Filipino workers (OFW) ang apektado sa total deployment ban na ipinatupad ng Pilipinas sa Micronesia simula Setyembre 4 dahil sa paglabag umano sa karapatan ng mga Pinoy health worker doon.

Ito ay matapos makatanggap ng ulat ang POEA noong 2017 na hindi nasusuwelduhan ang ilang Pinoy sa isang public hospital sa Micronesia.

Sinubukang makipagnegosasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ospital, pero nagmatigas raw ito kaya inirekomenda ng ahensiya sa na tuluyang ipatigil ang deployment ng mga OFW doon.

“Kung ‘yung mismong government ng Micronesia is not able to protect ‘yung rights ng ating mga worker at hindi in-observe ‘yung provisions sa kanilang employment contract what more doon sa mga private hospitals?” ani POEA administrator Bernard Olalia.

Hindi rin masabi kung hanggang kalian ang ban, pero giit ng POEA na marami pang alok sa ibang bansa para mamasukang nars o caregiver tulad ng United Kingdom, Saudi Arabia, at Japan.

Sa Saudi Arabia, kinakailangan ang 300 nars. Kailangan lang magbigay ang aplikante ng kopya ng kanilang lisensiya at 2 taong experience.

Nasa 3,300 riyal (Halos P50,000) ang sahod at may kasamang food allowance, paninirahan, transportasyon at taunang bakasyon.

Hindi na rin pababalikin sa Micronesia ang mga OFW na umuwi lamang ng Pilipinas para magbakasyon.

Tinanggal naman ang quota ng United Kingdom sa mga non-European na doktor o nars na nais mag-apply sa kanila.

Ngunit ayon sa ilang aplikante, pahirapan umano ang pagpasok sa UK dahil bukod sa required score na 7 sa International English Language Testing System (IELTS), kinakailangan ring makapasa sa computer-based test at objective structured clinical examinations.—Source ABS CBN

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*