AVAILABLE E-PASSPORTS DATE UPLOADED: 26 November 2019

Sa mga magcclaim po ng passport:

1. Paki bigay po ang LUMANG passport para macancel bago namen ibigay ang BAGONG passport. Hindi po kasi pwede ang dalawang active na passport o ang ipakuha ang passport. Personal po lagi ang pagclaim dahil pipirma ulit sa system.

2. Sa mga magulang na icclaim ang passport ng anak, paki present po kahit anong ID ng parent bilang katunayan na kayo ang magulang ng bata.

3. Sa mga kababayan nating nakatira sa katabing Malaysia, paki check po lagi ang holiday ng Brunei at ng Embahada ha. Wag po tayo pupunta ng alanganing araw kasi pagkakuha po naten ng passport, dadaan pa po tayo sa mismong Brunei Immigration at don po ipapalipat ang chop para po magamit na upon exit ang bagong passport.

4. Sa iba pa pong katanungan, mag pm lang po sila.😊

Sa mga mag rerenew ng passport, case to case basis po tayo ha.

1. ADULT – kung walang babaguhin sa details ng passport, yung passport lang po nila.

2. ADULT – kung may babaguhin sa details ng passport, original PSA copy ng kaukulang dokumento.

3. MINOR (NANAY LANG KASAMA) – birth certificate ng bata at passport copy ni mommy.

4. MINOR (TATAY LANG KASAMA) – birth certificate ng bata, marriage contract ng magulang, passport copy nina mommy at daddy.

5. LOST – ang treatment na po dito ay new applicant.

– Original PSA copy of birth certificate

– Original PSA copy of marriage contract

– Statutory Declaration from Magistrate Court

– Police Report

– Photocopy of lost passport

Ang renewal po ay BND 90.00 samantalang BND 225.00 naman po sa lost passport dahil may penalty po ito.— Source: PEBRUNEI



Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.