PinoyBrunei.Com All Rights Reserved 2009 Brunei Darussalam
Hottest News
akatanggap umano ng tawag sa telepono ang dating Pangulo at ipinaalam ng kausap nito na binaril si Ninoy.
Ayon pa kay Sen. Marcos, mahalaga rin para sa kanila na magkaroon na ng closure ang nasabing isyu at malaman kung ano talaga ang nangyari sa pagkamatay ni Ninoy.
“I think for the Marcos family, it is extremely important that we find out exactly what happened because we have never wavered in our belief that there are other forces than those that have already been named, that have already been involved in the killing of Senator Aquino,” sabi ni Marcos.
Sinabi pa ni Marcos na maliwanag na hindi satisfied ang mga mamamayan sa nangyaring imbestigasyon ng kaso kaya may mga nananawagan na muli itong imbestigahan.
Mahalaga aniyang magkaroon ng closure sa kaso ni Ninoy upang tuluyan nang makasulong ang political history ng bansa... --- Pilipino Star Ngayon

Manila - Sa gitna nang nalalapit na paggunita sa ika-27 taon na pagkamatay ni dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa Agosto 21, sinabi kahapon ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi ang ama niya ang nagpapatay sa ama ni Pangulong Noynoy Aquino.
“Alam namin na hindi ang tatay ko ang nagpapatay,” sabi ni Marcos.
Ikinuwento ni Sen. Marcos na nasa Palasyo siya noong Agosto 21, 1983 at mismong ang ama niyang si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang nagsabi sa kanila na patay na si Ninoy.
'Hindi Ang Tatay Ko Ang Nagpapatay Kay Ninoy'
Malou escudero
Philippines Latest News : 'Hindi Ang Tatay Ko Ang Nagpapatay Kay Ninoy'