

| Leaving On A Jet Plane |
|
|
|
| Written by pinoybrunei.com |
| Tuesday, 04 October 2011 10:22 |
Magandang araw po sa inyo dito... May e-share lang po akong experience, di naman siya gaanong di magandang experience. Flight ko noong isang gabi papauwi ng Pinas mula dito sa Brunei, maaga pa lang nasa airport na ako. Noong mag-check-in na ako dito na nagkaroon ng problema. Sabi sakin ng immigration ay di daw ako makakuwi dahil walang chop ang bago kung passport. Nag-renew kasi ako ng passport, kaya ung luma kung passport ay cancel na at nandoon din ang cancellation ng contract ko. Ang pagkaka-mali ko lang ay di nailipat ung chop sa bago kung passport. Kaya sabi sakin ng immigration ilipat muna daw ung chop sa bago kung passport kahit na ipinakita ko din ung lumang passport ko, so ang suma total ay nasayang ang tiket ko. May pagkaka-mali ako dito at alam ko un. Di ko din naman masisi ang Embassy sa ganitong bagay na di nasabi sakin na dapat ay ilipat ang chop. Gusto ko lang ibahagi ang ganitong pangyayari sa mga kababayan ko dito para di na mangyari sa inyo. Siguro dahil sa sobrang excited na ding makauwi nakalimutan na ang passport... Maraming salamat po Sir Raymond....
Gumagalang, Nimfa Comments (0) |






































































