

| Babalik Ka Rin |
|
|
|
| Written by Mrs Jean |
| Thursday, 20 October 2011 17:46 |
Sa Kinauukulan, uuwi po ako ng Pilipinas para ihatid ang aking nanay, pero sa loob po ng 2 o 3 araw ay babalik na po ako ng Brunei, wala po bang magiging problema un kung saka-sakali? Bago naman po ako umuwi ay aayusin ko ang aking OEC atbp dokumento dito sa Phil. Embassy. Maraming salamat po... Jean
Jean, Magandang umaga po sa inyo. Batay sa kaunting info na ibinigay ninyo, wala naman po akong nakikitang problema sa iyong pag-balik sa Brunei pagkatapos ng 2-3 araw. Ang tanging problema na aking naiisip ay kung ang inyong passport ay valid lang nang anim na buwan o di kaya'y mababa sa anim na buwan. Maaring di kayo payagang pasakayin ng airline o ng immigration natin sa Pilipinas. Kung ito nga po ang situwasyon, maari po nating i-extend ang validity ng inyong passport sabay pag-file ninyo ng application ng passport renewal sa Philippine Embassy. Raymond R. Balatbat
Kung may mga katanungan, mag email lamang po kayo sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it Comments (0) |
| Last Updated on Thursday, 20 October 2011 17:53 |






































































