

| Lost Passport |
|
|
|
| Written by Consul General Raymond Balatbat |
| Friday, 12 November 2010 11:48 |
Magandang umaga po... Tanong ko lang po kung ano ang mga hakbang na dapat gawin kapag nawala ang passport mo dito sa Brunei. Maraming salamat po.... Myline
Ang mga sumusunod ay mga hakbang na kailangan gampanan para sa pag-apply ng panibagong passport dulot ng pagkawala ng dating passport: 1. Kumuha ng police report sa pinakamalapit na police station kung saan nawala yung dating passport. 2. Gumawa ng Statutory Declaration sa Magistrate tungkol sa pagkawala ng passport 3. Kumuha ng Special Pass mula sa Brunei Immigration Department Ang mga dokumentong ito ay isasama sa passport application form na makukuha sa Embassy. 4. Magbayad ng passport fee (B$255.00 para sa nawalang passport) sa Consular Section ng Philippine Embassy 5. Mag-antay ng mahigit sa 1 buwan para sa pag-issue ng panibagong passport na mag-mumula sa Manila
Kung may mga katanungan, mag email lamang po kayo sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it Comments (0) |
| Last Updated on Sunday, 04 September 2011 08:00 |





































































