

| Papuntahin Ko Ang Aking Anak |
|
|
|
| Written by Consul General Raymond Balatbat |
| Monday, 13 December 2010 12:03 |
Magandang araw po sa inyong lahat, Balak ko pong papuntahin ang aking anak dito at ang kanyang tatay, ano po ba ang mga dapat kung gawin at mga ihahandang papeles. Bale po magba-bakasyon lang sila dito ng isang buwan... Salamat po... Rita
Magandang umaga po sa inyo. Kung nais ninyong imbitahin ang inyong anak at asawa dito sa Brunei, aking ipinapayo ang mga sumusunod: 1. Kung ang inyong anak ay isang menor de edad, lalo na at wala pa siyang passport, pumunta po kayo sa Philippine Embassy upang mag-execute ng Affidavit of Support. Ito ay magkakahalaga ng BD59.50. 2. Kung ang inyong anak ay nasa tamang edad, magtungo po kayo sa Magistrate Court ng Brunei upang gumawa ng Statutory Declaration. Ito ay magkakahalaga ng BD7.00. Pagkatapos ay magtungo po kayo sa Embassy para sa authentication ng Statutory Declaration na nagkakahalaga ng BD59.50. Ito pong mga dokumento ay ipinapakita sa pagkuha ng passport sa DFA (kung an inyong anak na menor de edad at wala pang passport), sa pag-apply ng visa sa Brunei Embassy sa Manila (kung nais ninyong mas matagal ang pagbisita ng inyong mag-anak), at ng mga opisyales ng Bureau of Immigration sa Pilipinas.
Kung may mga katanungan, mag email lamang po kayo sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it Comments (0) |
| Last Updated on Sunday, 04 September 2011 07:58 |




































































