

| Transfer Ng Employer |
|
|
|
| Written by Consul General Raymond Balatbat |
| Friday, 11 March 2011 12:12 |
|
Isa po akong professional worker na naka-base sa Seria. Kailangan ko po kumuha ng OEC pero dahil nagtransfer ako ng employer, hinanapan ako ng labour contract at BUR 555. Naiintindihan ko na kailangan iverify ang legality ng employment ko dito sa Brunei. As per company policy, hindi puwedeng ibigay ng employer ko yung original ng Labour contract at BUR 555. Kopya lang ang maaari nilang iprovide sa akin subalit ipinipilit ng OWWA/OEC section ng Philippine Embassy na kailangan ng original. Naiipit ako ngayon dahil malapit na ang flight ko, ayaw pa rin ako bigyan ng OEC. Hindi pa ba sapat na katunayan na nabigyan na nga ako ng employment visa, nabigyan na ko ng IC nagpapatunay lang na naverify na mismo ng gobyerno ng Brunei na legal ako dito. Willing magbigay ng kopya ng nasabing dokumento ang aking employer pero hindi lang talaga puwede ang original. Bakit hindi pa rin po ako mabigyan ng OEC? Hindi lang po ako ang Filipino sa aming kumpanya at nasisiguro kong magiging pareho kami ng sitwasyon pag kailangan nila umuwi sa Pilipinas katulad ko. Sana po'y matulungan nyo kami. Salamat Po. Alvin
Magandang araw din Alvin Una sa lahat, nais kong ipaliwanag na di sakop ng aking tanggapan (Consular at Assistance to Nationals) ang mga bagay na iyong tinatanong. Ang pag-issue ng Overseas Employment Certificates (OEC) ay ipinapatupad ng ating Philippine Overseas Labor Office (POLO)-Brunei. Ito pong tanggapan ang may responsibilidad na magbigay ng mga OEC. Sa aking pakikipagpanayam sa POLO-Brunei, ang kanilang payo, kung hindi mo makukuha ang original na contract sa iyong employer, ay ipa-certify na true copy (CTC) ang iyong contrata sa Magistrate Court. Itong CTC ang gagawin basehan ng POLO para makapag-issue sa iyo ng OEC. Kung hindi ka makakakuha ng CTC sa Magistrate, maari mong tawagan si Mr. Larry Reyes ng POLO-Brunei sa number na 223-69-81. Siya ang tatawag sa employer mo upang ipaliwanag ang mga patakaran ng POLO tungkol sa pag-issue ng OEC.
Kung may mga katanungan, mag email lamang po kayo sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it Comments (0) |
| Last Updated on Saturday, 10 September 2011 08:41 |


























































Magandang Araw Consul, Tanong ko lang po ano po ang kailangan pag nagtransfer ng employer.










