

| Requirements For POEA In Brunei |
|
|
|
| Written by Consul General Raymond Balatbat |
| Friday, 11 March 2011 12:24 |
Nais ko lang pong itanong kung ano po ba ang ga requirements kapag dito mag-aayos ng POEA sa Brunei. Uuwi po kasi ako ng Pilipinas at magpapa-medical na po ako doon at magpa-process na din po ng ibang papers... Maraming salamat po... Vein
Magandang araw sa iyo, Vein. Sa aking pakikipag-usap sa tanggapon ng POLO-Brunei, kanilang ipinaalam na ayon sa bagong batas o policy ng POEA sa ilalim ng Republic Act 10022, hindi na po nag-issue ng OEC ang ating POLO Office sa mga newly-hired workers na katulad mo. Maari ninyong ipaalam sa inyong employer na kailangan na ipa-verify at ipa-authenticate ang inyong mga dokumento sa POLO Office dito sa Embahada. Narito po ang mga sumusunod na dokumento na kailangan ipa-verify sa POLO Office sa Embahada: 1. Employment contract (maari kayong kumuha ng kopya sa POLO Office); 2. BUR 500; 3. Labor quota; 4. IC ng employer o nagmamay-ari ng kompanya na iyong papasukan; 5. Business registration ng kompanya; at 6. Kopya ng inyong passport.
Kung may mga katanungan, mag email lamang po kayo sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it Comments (0) |
| Last Updated on Saturday, 10 September 2011 08:41 |






































































