| Grace Ibuna wagi sa kayamanan ni Iggy Arroyo! |
|
|
|
| Written by SEEN SCENE |
| Wednesday, 22 February 2012 08:59 |
Seen: Binawi at pinagsisihan ni Hayden Kho, Jr. ang kanyang nagmintis na pasabog na karelasyon umano ni Dra. Vicki Belo ang yoga instructor na si Al Galang. Inamin ni Hayden na nadala lang siya ng kanyang emosyon nang ilabas niya sa Twitter ang litrato ni Al at ang alleged love letter nito kay Dra. Belo. Scene : Walang ipinagkaiba si Hayden Kho, Jr. sa kanyang kaibigan na si Mo Twister. Parehong ungentleman ang dalawa dahil sa paninira sa mga babae na kanilang nakarelasyon. Seen : Marami ang natuwa sa pasya ni Dra. Belo na hiwalayan si Hayden Kho, Jr. Scene : Walang kinalaman ang Belo-Kho break up sa cancellation ng launch kay Vice Ganda bilang bagong endorser ng Belo Medical Clinic. Seen : Ngayon ang presscon ng GMA Films para sa international release and screening ng The Road. Scene : Lumabas ang katotohanan na si Grace Ibuna ang tagapag-mana ng mga ari-arian na naiwan ni Congressman Iggy Arroyo. May dahilan ang paghihimutok ng kalooban ni Aleli Arroyo, ang 'legal wife' na naghahabol sa kanyang mga karapatan. SEEN : Nag-resume kahapon sa Subic ang shooting ng Ded Na Ded Ako Sa'Yo, ang pelikula nina Pokwang, Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion para sa Regal Entertainment Inc. Scene : Naghahanap ang Regal Entertainment Inc. ng bagong Regal Babies at magaganap ang audition sa Biyernes, February 24 sa Unit 808 Tycoon Center, Pear Drive, Ortigas Center, Pasig City. Fifteen to 25 years old at mukhang artista ang requirement sa mga gustong mag-apply. ---source PSNComments (0) |










