| DepEd Secretary Magpapabaril Kapag… |
|
|
|
| Written by Nonnie Ferriol) |
| Saturday, 26 November 2011 08:02 |
Buong pagmamalaking inihayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro, na nakahanda siyang magpabaril kapag hindi natupad ang target niyang 1:1 na book per student ratio sa susunod na taong 2012. Sinabi ito ng kalihim sa kauna-unahang pagkakataon an itinakda ng DepEd bilang "Araw ng Pagbasa" ang November 25 sa Old Balara Elementary School sa Quezon City, at hudyat din ng pagdiriwang at parangal kay yumaong Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr., na gugunitain ang kaarawan sa Nobyembre 27. Ayon kay Sec. Luistro, titiyakin ng kagawaran na sa darating na Hunyo 2012 ay pipilitin nila na bawat estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa mula kindergarten hanggang 4th year high school ay magkakaroon ng tig-isang libro. Inihayag pa nito na sa kasalukuyan ay tinatayang may 20 milyong estudyante sa mga pampublikong paaralan pa rin umano nag nangangailangan ng libro, kung kaya't isa ito sa talagang pagsusumikapan ng DepEd na malutas bukod pa sa problema sa kakulangan sa mga silid-aralan. --- Courtesy Of Abante ToniteComments (0) |










