| GMA May Bagong Sakit |
|
|
|
| Written by Paolo Romero |
| Monday, 28 November 2011 09:30 |
May panibagong sakit na naman si dating pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos na sumailalim sa colonoscopy sa St. Luke's Medical Center nang makaramdam ng pagtatae simula pa noong nakaraang linggo. Ito ang nabatid mula kay First Gentleman Jose Miguel Arroyo kung kaya't inaasahan na magsusumite ng motion sa Pasay City Regional Trial court ang kanilang mga abogado upang maaprubahan ang house arrest bunsod ng kasong electoral sabotage na isinampa dito ng joint Department of Justice-Commission on Elections (DOJ-Comelec) panel noong Nobyembre 18. Ang kaso ay isang non-bailable offense. Ayon kay ex-FG, muling nilagyan ng suero ang dating pangulo matapos ang isinagawang colonoscopy bunga na rin ng impeksiyon sa kanyang bituka. Nakatakda ding isagawa ang biopsy sa dating pangulo. Sinabi ni ex-FG na una nang kinunan ng tissue para sa biopsy si Gng. Arroyo nang makaramdam ito ng pagtatae matapos na pigilang makaalis ng bansa noong Nobyembre 15. Giit ni Lambino, magsasampa ng motion ang legal team ng Arroyo para sa house arrest ngayon sa sala ni Pasay RTC Judge Jesus Mupas. Nabatid pa kay Lambino na maaaring ituloy ang therapy ni Gng. Arroyo sa kanyang bahay sa La Vista, Quezon City. May hinala din si Lambino na may kinalaman sa desisyon ng Korte Suprema sa isyu ng Hacienda Luisita ang pabago-bagong desisyon ng Malakanyang hinggil sa hospital o house arrest para sa dating pangulo. Matatandaang 2005 nang iutos ni Gng. Arroyo ang revocation ng stock distribution para sa mga magsasaka at pamamahagi ng lupa na ikinagalit umano ng pamilya Aquino. --- Courtesy Of PSNComments (0) |










