Directory Plazza
Titulong 'Presidente' Ibibigay Kay FPJ PDF Print E-mail

dst_banner_3

Written by Doris Franche/Ludy Bermudo   
Monday, 28 November 2011 09:36
FPJ

Tiniyak ng Commission on Elections (Come­lec) na ibibigay nila sa namayapang aktor na si Fernando Poe Jr. ang titulong Presidente kung talagang mapapatunayan na ito ang nanalo sa naganap na Presidential election noong 2004.

Ang paniniyak ay ginawa ni James Jimenez, spokesman ng Comelec sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan.

Ayon kay Jimenez, hi­nikayat niya ang lahat ng may nalalaman sa umano'y naganap na da­yaan noong 2004 election na lumantad na at magsalita sa kanilang na­lalaman.

Sa ngayon aniya ang ikinakaso kay Arroyo ay may kinalaman sa 2004 at 2007 election at wala pang kinalaman sa pan­daraya kay FPJ.

Samantala, sinabi na­­man ni Rex Cortez, spokesperson ng FPJ for Presi­dent Movement na naka­ takda nilang sampahan ng kaso sa mga su­sunod na panahon si dating Presidential Spokes­man Ignacio "Toting" Bunye.

Kasong obstruction of justice ang isasampa sa kanya dahil sa ginawa umano nitong pagharang sa paglalabas ng katotohanan gayong alam naman ng lahat na si FPJ ay dinaya sa halalan.

Kaugnay nito, sinabi ni Jimenez na kailangan magpunta ang liderato ng House of Representative sa Comelec para ipaalam na nagbitiw na si Arroyo at kinakailangan na magkaroon ng panibagong eleksiyon sa ikalawang distrito ng Pampanga bago sila umaksiyon.

--- Courtesy Of PSN
Comments (0)