Directory Plazza
OWWA Officers Tugis Sa Nawawalang P21-M PDF Print E-mail

dst_banner_3

Written by Ellen Fernando   
Monday, 28 November 2011 09:44
owwa

Hindi na matunton ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang mga tauhan na umano'y sangkot sa pagkawala ng may P21 milyon koleksyon sa membership dues ng mga OFW.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, nag-AWOL (absence without official leave) na ang mga collecting officers matapos na mabigong i-remit ang ha­lagang P8 milyon na bahagi ng nawawalang P21 milyon na dapat ay nai-turn-over sa OWWA main office mula sa mga foreign posts o sangay sa ibang bansa.

Nabatid na tumakas na sa kani-kanilang tirahan ang mga responsable habang ang ilan sa mga ito ay sinampahan na umano ng kaso sa Department of Labor­ and Employment at sa Ombudsman.

Bunsod nito, itinigil na ang pagbibigay sa mga nag-AWOL na opisyal ng kanilang sahod at mga benepisyo.

Lumalabas sa Commission on Audit report na nabigong mai-remit ang P8 milyon ng mga OWWA officers­ mula sa P21 milyon na umano'y nawawalang remittance na koleksyon mula taong 2000 hanggang 2010.

--- Courtesy Of PSN
Comments (0)