| Ginang Nanganak Sa Eroplano |
|
|
|
| Written by Butch Quejada |
| Wednesday, 02 November 2011 07:42 |
Isang 31-anyos na ginang ang nagsilang ng sanggol sa eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, kahapon ng umaga. Kinilala ang ginang na si Michelle Raz. Ayon sa ulat, habang nasa may aerobridge ng Cebu Pacific flight 5J 373 papuntang Roxas City, hinahanap nito ang numero ng kanyang upuan sa eroplano ng biglang sumakit ang kanyang tiyan. Mabilis naman itong nilapitan ng mga flight attendant at agad humingi ng tulong sa mga pasahero kung may doktor dito. Mabilis naman inasikaso si Raz nina May Prian at Joseph Sayo na pawang mga doktor ng UP-PGH. Agad din dumating si NAIA Dr. Karen Cagawan at agad na humingi ng kumot sa mga attendant para takpan ang gagawin nilang pagpapa-anak kay Raz. dakong alas-11:10 ng umaga nang iluwal ng ginang ang isang normal baby girl. Gayunman, habang itinatakbo siya sakay ng NAIA ambulancde papunta sa San Juan de Dios hospital, inamin ni Raz sa mga NAIA doctors na nagsinungaling siya sa mga personnel sa departure area check-in counter na siya ay buntis. Hindi aniya siya nahalata dahil siya'y mataba. --- Courtesy Of PSNComments (0) |










