| Juan Ma Handang-Handa Na |
|
|
|
| Written by Angeline Tan |
| Wednesday, 02 November 2011 07:55 |
Handa si Juan Manuel Marquez sa lahat ng puwedeng ipakita ni Manny Pacquiao. Ito ang kanyang winika wala ng dalawang linggo bago sumambulat ang ikatlong pagkikita nilang dalawa sa Nobyembre 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. Tatapusin na ng Team Marquez ang ginagawang paghahanda sa linggong ito at tutulak patungong Los Angeles upang lumahok sa pre-fight na inihahanda ng Top Rank na ang layunin ay upang tumaas pa ang interes ng manonood sa nasabing bakbakan. "I've had a good training camp for this fight and will be calm in the ring," wika ng 37-anyos na si Marquez. Marami na rin siyang napuna sa ginagawang pagsasanay at pananalita na babagsak siya ng maaga sa nakatakda nilang 12-round title fight para sa WBO welterweight title ng Pambansang kamao. Pero hindi natitinag si Marquez at buo ang loob na haharapin si Pacquiao at talunin ito sa laban. "I have no fear to Manny Pacquiao. I'm working to be ready for whatever he brings. I will win this fight with intelligence," dagdag pa ni Marquez. Kahit ang trainer niyang si Ignacio "Nacho" Beristain ay nagsabing masosorpresa si Pacquiao sa gabi ng laban. Aniya ang pagkakaroon ng tamang istilo sa paglaban ni Pacman ang siyang magpapadali sa hangaring tagumpay ni Marquez. Hindi naman nagpapahuli si Pacquiao kung pagpapahayag ng kahandaan sa labang ito ang pag-usapan. "I'm now 97 percent ready for this fight," wika nito. Itinuro rin ni Pacquiao ang katotohanang mas lumalim na ang kaalaman sa paglaban matapos ang naunang dalawang tagisan na kanyang pinatunayan nang manalo sa mga mas malalaking katungggali tulad nina Miguel Cotto, Joshua Clottey at Antonio Margarito. Sina Pacquiao at Marquez ay inaasahang nasa MGM Grand sa Nobyembre 8 at maghahanda na sa huling press conference sa Huwebes at ang official weigh-in na gagawin sa Biyernes. --- Courtesy Of PSNComments (0) |










