PinoyBrunei.Com All Rights Reserved 2009 Brunei Darussalam
Site Meter
PINOYBRUNEI.COM is just a friendly personal site. All the articles, comments, enquiries etc. that are submitted to us will be entertained, maintain, update and published during the free time of Admin.
Ang Bagong President Ng Pilipinas...President Noynoy Aquino ...
Kahit saan mang sulok ng bansang eto ay pinili nilang lumabas ng kanilang trabaho at mag-sakripisyo upang makilahok sa nakarang eleksyon 2010... At nagbunga na nga ang kanilang paghihirap... Noynoy Aquino Our New President... Para naman sa mga kababayan natin na ang pambato nila ang nanalo, hinihimok ko kayong lahat na suportahan natin ang ating bagong lider ng Pilipinas...

Narito ang ilan sa mga kanyang binitiwang salita pagkatapos niyang manumpa bilang bagong pangulo....

“Ngayon, sa araw na ito – dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noy­noy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan.

“Ito naman po ang umpisa ng kalbaryo ko, nguni’t kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat,”

Sinabi pa ni Aquino na hindi niya inakala na dara­ting siya sa punto na manunumpa bilang Pangulo ng bansa lalo pa’t simple lamang ang mga pa­ngarap niya sa buhay, ang maging tapat sa kaniyang mga magulang at sa bayan at maging isang mabait na kuya.

“Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas,” pagdidiin ni Aquino.

“Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding-hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan,” pag­lalahad pa ni Aquino.

“Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, walang maiiwan.

Walang pangingibang-ba­yan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, nga­yon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon,” wika ni Aquino.

“Walang lamangan, wa­lang padrino at walang pagnanakaw. Wa­lang wang-wang, walang counter-flow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawanggawa. Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampa­nan ang ating mga pananagutan,” pagtitiyak pa ng Pangulo....

Umaasa tayo na sana ay matupad ang lahat na binitiwan niyang mga salita na lubhang nagbibigay ng bagong pagbabago at inspirasyon... Kaya tayong lahat ay iniimbitahan kung magbigay ng komento o opinion sa ating bagong pangulo...

Mag email lang po sa pinoy_brunei@yahoo.com
Ngayong may bago na tayong Pangulo sa katauhan ni Noynoy Aquino, eto na kaya ang simula ng pagbabago ng ating bansang Pilipinas?

Marahil ang bawat isa sa atin na nagta-trabaho dito sa bansang eto ay nangangarap din na manumbalik ang tiwala sa kung sino man
ang susunod at uupong bagong Pangulo ng Pilipinas... Sa nakaraang eleksyon na naganap dito sa Brunei Darussalam ay si Noynoy Aquino ang may maraming pinaka- nakuhang boto sa mga OFWs.
     
Tayo Na Sa Tuwid Na Landas
Ang Bagong President Ng Pilipinas...President Noynoy Aquino ...
NEXT